Malapit na ang SONA

Sa mga taong may sariling mga mundo, ang State of the Nation Address sa July 27 ay isang petsang dapat paghandaan:

half-day lang ang mga klase at iba pang establisimento;

siguradong matrapik na naman sa Commonwealth;

mahirap nang sumakay pag pumatak na ang ala-una;

marami na namang taong mag-iingay at magmamartsa sa lansangan.

Pero sa mga naniniwalang may magagawa pa rin ang sama-samang pagkilos, ang July 27 ang deadliest of deadlines:

ng pag-iimbita sa mga sasali sa pagkilos,

paggawa ng mga streamers, plakards at effigies,

pag-hanting sa mga nagtatagong miyembro ng mga progresibong organisasyon,

pagpapadala ng mga media advisory,

pagsulat ng mga propaganda materials,

pakikipag-ugnayan sa mga personalidad na maaring dumalo, at

pagbo-blog ukol dito.

Ang SONA ay hindi lang simpleng araw sa ating bansa.  Ito ang araw ng pagsampal sa atin ng mga kasinungalingang pilit na ipinalulunok sa madla ng mga makapangyarihan sa bayang ito.

Ang SONA din ang pagkakataon nating mga maralita na ipamukha sa rehimeng ito na bagamat tayo’y maralita, hindi tayo kumakain ng panis na mga pangako at inuuod na mga pantasya.

SONA na!

igisa ang palalong pinuno at mga alipores niya sa sarili nilang mantika (anime mula sa blog ni jangirl)

igisa ang palalong pinuno at mga alipores niya sa sarili nilang mantika (anime mula sa blog ni jangirl)

4 Tugon tungo sa “Malapit na ang SONA”

  1. Si brokenform ay nagsabing:

    mag-ma-madyik na naman si glorya

  2. Si livingstain ay nagsabing:

    Ma’am/Sir magandang araw po…

    Nakita ko po na parang miyembro kayo ng isang party list. meron po kasi akong blog tungkol sa mga rally na pinangungunahan ng samahan ninyo at mga katulad nito.

    Sir pwedi ko po ba kayong imbitahang basahin ito? hindi po kasi ako pabor sa mga ralihista, gusto ko naman pong makuha nag opinyon nyo sa sulat ko… Alam ko pong makakatulong kayo na ipaliwanag sa bubot kong isipan ang inyong ipinaglalaban.

    Ikagagalak ko po kung mababasa nyo ito… Salamat

    ALVIN

    eto po ang link http://livingstain.wordpress.com/2009/07/29/349/ o kaya ay mamari ninyong iclick ang aking pangalan.

  3. Si livingstain ay nagsabing:

    salamat po….


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.